মা-মেয়েকে এমন নৃশংস হত্যা কেন, কারণ জানালেন স্বামী
2 kabaong humambalang sa NLEX viaduct
Nagdulot ng bahagyang traffic sa NLEX ang dalawang kabaong na nakahambalang sa dalawang lanes ng kalsada, mag-aalas siyete kagabi.
Ayon kay Noel Luartes, motorista na nag-upload ng video ng insidente, nakita nila ang mga kabaong sa may NLEX Viaduct habang sila ay pauwi sana sa Pulilan.
“Nagbe-brake na ‘yung mga sasakyan tapos tinitingnan namin bakit ba. Sabi po ng anak ko ‘May nalaglag, Daddy. Mukhang may nalaglag.’ Tapos pagdating namin doon sa area na ‘yon may ataol na may kabaong na doon. Vinideohan na ng anak ko,” sabi ni Luartes.
Bagong gawa ang mga kabaong at idedeliver sana sa Marikina nang mahulog ito mula sa pagkakatali sa taas ng isang closed van.Agad namang naalis ng mga awtoridad ang nakahambalang na kabaong sa kalsada upang hindi na maging abala sa iba pang motorista.
Comments
Post a Comment